Sunday, March 11, 2007
+ Hiatus! +

Hello po sa inyo! HIATUS muna ako kasi hindi ko na naman na-uupdate itong blog ko. Parang HIATUS na nga ito dati pa eh. Hehehe. Nilagay ko ito kasi yung iba hindi alam na di ko na 'to na-uupdate. Sige, babalik na lang ako kapag INTERESTED na ulit ako. Hanggang sa muli!

^0^
Betina posted @ 4:44 PM
_________________________________________________
Wednesday, February 07, 2007
+ HAPPY BIRTHDAY AYUMI and AERITH!!! = D +

Hello po! WAH! Sobrang tagal ko na namang hindi nag-update! Hmmm... Ewan ko ba. Basta hindi na ako makakapag-update lagi. Mag-uupdate na lang ako kung gusto ko. Hehehe.
Simula na nga pala ng INTRAMS namin ngayon. Hehehe. GO TITANS!!!

Dalawa nga pala ang may birthday ngayon. Yung una, si Ayumi. HAPPY BIRTHDAY AYUMI!!! Hope you have more birthdays to come!!!


Yung pangalawa, si Aerith ng Final Fantasy VII. HAPPY BIRTHDAY AERITH!!! Namimiss ko na tuloy yung FFVII... Buhuhu... Aerith!


Sige, yun na lang muna. Nagmamadali kasi ako ngayon. Hehehe. Sige, hanggang sa muli! ^0^
Betina posted @ 8:56 PM
_________________________________________________
Friday, December 15, 2006
Betina posted @ 6:36 PM
_________________________________________________
Wednesday, September 20, 2006
+ O2 JAM!!! = D +

Hello po! Sorry kung di na naman ako nakakapag-update. Marami kasi akong ginagawa. Naglalaro din kasi ako ng O2 Jam!!! Hehehe. Nakakaaddict yun. Pasensya na. Hanggang sa muli!!! ^0^
Betina posted @ 9:11 PM
_________________________________________________
Thursday, September 07, 2006
+ Belated Happy Birthday Tomoyo! = D +

Belated Happy Birthday Tomoyo!!! Waaah! Nakalimutan kong igreet si Tomoyo nung Birthday niya. September 3 yun. Ang sama ko talaga...

Hehehe. Kaya ngayon ko na lang ginawa. BELATED HAPPY BIRTHDAY TOMOYO! ^0^
Betina posted @ 3:04 PM
_________________________________________________
+ A Trip to Mt. Banahaw = D +

Hello po! Ngayon lang ulit ako nakapost. Hehehe. Haaay... Ang sakit ng katawan ko.

Kahapon kasi yung Field Trip namin. Pumunta kami sa Mt. Banahaw pero sa Complex 1 lang. Ang saya talaga!

Ito yung mga nangyari:

4:00 a.m. ako nagising kasi sabi ng schoolbus susunduin nila ako ng 4:45 a.m. Hay... Ang aga nun. Ako yung una nilang sinundo. 3 lang pala yung sasabay sa schoolbus.
Nung nasa school na kami, akala ko konti palang yung tao pero marami na pala. Sobrang excited na akong pumunta sa Mt. Banahaw!
Nung nasa bus na kami, nagpray muna bago kami umalis. Tapos nagpakilala na yung mga facilitator namin. Si Kuya Ron yung team leader namin tapos yung iba ay sina Kuya Eman, Kuya Jan at Ate Tina. Madaming sinabi yung mga facilitator namin. Binigyan din kami ng journal. Madami akong natutunan sa kanila. Hehehe. Tawag din pala sa amin ay STEVE CAMBEE. Ganito yun:
Steve..
Cambee!
Jolibee..
Kain na tayo!
Hehehe. Pinatulog din pala kami ng 10 min. kasi marami sa amin ay inaantok. Nung nakarating na kami sa Mt. Banahaw, pumunta na kami sa isang Church. Nakalimutan ko yung pangalan eh. Nagstretching kami dun at nagCR. Pagkatapos ay pumunta kami sa may mga souvenir. Mahabahaba din yung nilakad namin. Pagkatapos nun ay bumaba kami ng hagdan na may 270 steps. Grabe! Napagod ako dun. Lalo na yung pataas na kami. Nung nasa baba na kami, naligo kami sa buhok ng ina (waterfalls yun). Isa yun sa mga puwesto sa Mt. Banahaw. Ang lamig nun pero masarap kasi naiinitan na ako nung mga oras na yun. Malinis yung tubig nun pero hindi ako nakainom. Pagkatapos ay pumunta kami sa Jordan River kung saan ay lumubog kami ng 3 beses. Ang lamig din nun! Pagkatapos ay umakyat na kami (pagod na pagod ako nun). Pumunta kami sa tinatawag nilang pintuan ng Mt. Banahaw. Pagkatapos ay pinuntahan namin yung may book of life na kung saan ay isinulat namin ang aming mga surname. Pagkatapos nun ay nagtanghalian kami sa isang lugar na malapit sa Husgado. Pagkatapos nun ay pumasok na kami sa Husgado. Ang husgado ay isang crack o cave na masikip. Kapag natapos mo daw yun ng walang sugat ay napatawad na ang mga kasalanan mo ng 7 years (ayon yun sa mga tao dun). Iilan lang sa amin ang pumasok. Kahit na natakot ako ay pumasok pa rin ako. Nung nasa loob na ako, medyo natakot ako kasi akala ko di ko matatapos yun. Pagkatapos ng ilang oras ay nakaalis din ako. Ang saya saya ko nun kasi akala ko talaga di ko magagawa yun. Mahirap talaga pero kaya. Pagkatapos nun ay pumunta na sa Kalbaryo yung iba. Di ako sumama kasi pagod na pagod na ako nun. Si Lulu, Kiela at Mica ay hindi din sumama. Kasama namin sina Ms. Gem, Ms. Jham at Sir Ricky. Habang naghihintay kami ay nagkuwentuhan kami ng mga bagay bagay (hehehe). Nung nakabalik na yung iba, pumunta na kami sa bus. Mahabahaba ulit yung nilakad namin. Bago umalis ay pumunta muna kami sa Ciudad Mistica. Yung simbahan nila ay may ilang pagkakaiba sa simbahan natin. Pagkatapos nun ay umuwi na kami. May mga sinabi ulit yung mga facilitator namin. Sabi nila ay mayaman talaga ang Pilipinas. Naniniwala ako dun kasi mayaman naman talaga tayo. Hindi lang natin ginagamit ng tama ang mga rekurso natin. Nagkuwento din pala ng mga Horror Story si Kuya Ron. Natakot talaga ako nun. Nung nagstopover kami, sumabay sa amin si Kuya Bidz. Tagawazzup!wazzup! siya. Nakakatuwa talaga siya. Hehehe. Nung nakarating na kami ng school, medyo malungkot ako kasi tapos na yung field trip pero masaya pa rin ako dahil nakasama ako dun. Umuwi na ako pagkatapos nun.

Ito ata ang PINAKAMAHABA kong post. Hehehe. Hindi ko talaga makakalimutan ang Field Trip na 'to.

Sige, kailangan ko na pong umalis. Hanggang sa muli! ^0^
Betina posted @ 1:45 PM
_________________________________________________
Friday, August 25, 2006
+ Linggo ng Wika! = D +

Hello po! Tapos na ang Linggo ng Wika... Waaah! Balik na kami sa regular classes. Hay...
Masaya na nakakapagod yung Linggo ng Wika. Ang dami naming ginawa. Nung Monday wala kaming pasok (yehey!). Tapos nung Tuesday, KAMPISE namin. "Kamayan at Pistahan sa Seton" yung ibig sabihin nun. Nagkaroon kami ng Mass tapos kumain kami ng mga native na pagkain. Nung Wednesday naman, Filipino Day namin. Nagkaroon lang ng Collage Making at yung Extemporeneous Speech. Kahapon yung AP Day namin. Ginawa naming MUSEUM yung mga classroom namin. Tungkol sa EKONOMIKS yung sa amin. Nakakainis nga kasi hindi ako nakalibot sa lahat ng classroom. Hay... Ngayon yung Palarong Pinoy namin. Nakakapagod talaga... (Hehehe)
Sige po, magpapahinga muna ako. Hanggang sa muli! ^0^
Betina posted @ 2:55 PM
_________________________________________________
Saturday, August 19, 2006
+ 2 Birthdays +

HAPPY BIRTHDAY CLOUD STRIFE!!!

Hehehe. Nakakamiss yung Final Fantasy VII... Haay. Inulit kasi ni Kuya yun pero ayaw naman niyang tapusin. Hindi ko tuloy maintindihan yung story.

Maliit pa kasi ako nung una niyang tinapos yun kaya hindi ko maintindihan. Paborito kong Final Fantasy yun!
Happy Birthday din kay Nikki! God bless you always!

Sige po, hanggang sa muli! ^0^
Betina posted @ 6:46 PM
_________________________________________________